DA, nagpatupad ng temporary ban sa pag angkat ng mga ibon at poultry products mula sa Michigan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinagbawal muna pansamantala ng Department of Agriculture (DA) ang pag-angkat ng domestic and wild birds at poultry products mula sa Michigan, USA.

Naglabas ng kautusan si DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. matapos ang paglitaw ng H5N1 subtype ng Highly Pathogenic Avian Influenza sa nasabing bansa.

Kabilang pa sa ipinagbawal na angkatin ang poultry meat, day-old chicks, mga itlog at semilya.

Ang mga shipment naman mula sa Michigan na kasalukuyang nasa transit o nasa mga daungan ay papahintulutan kung naproseso ang mga produkto 14 na araw bago naiulat ang bird flu virus.

Pinatigil na rin ng kalihim ang pag isyu ng bagong sanitary at phytosanitary permits ng Bureau of Animal Industry para sa pag-import ng hayop at produkto. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us