Nakatutok ang Department of Agriculture sa mga hakbang para maiwasan ang posibleng impact sa agri sector ng nakaambang banta ng La Niña.
Ayon kay Agriculture Sec. Francisco Tiu Laurel Jr., inatasan na nito ang National Irrigation Administration na maglatag ng mga paghahanda partikular sa water impounding at dams.
Tuloy tuloy rin aniya ang ginagawang mga irrigation system at installation ng solar irrigation at solar-driven pumps na gagamitim para mailipat tubig kung saan kakailanganin.
Kaugnay nito, sinabi rin ng kalihim na nagsimula na ang procurement sa flood resistant varieties na planong ipamahagi sa mga magsasaka. | ulat ni Merry Ann Bastasa