Dalawang senador, nanawagan ng diplomatic solution sa tumitinding tensyon sa West Philippine Sea

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sang-ayon si Senador Alan Peter Cayetano sa suhestiyon ni Senate Majority leader Francis Tolentino na dapat nang magpulong ang National Security Council (NSC) para makabuo ng mga posibleng tugon sa mga agresibong aksyon ng China.

Sa gitna nito, nanawagan pa rin si Cayetano na resolbahin sa diplomatikong paraan ang patuloy na tumitinding tensyon sa West Philippine Sea.

Umaasa ang senador na magkakaroon pa rin ng high level talks sa pagitan ng ating Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at ni Chinese President Xi Jinping at na magkakaroon ng isang high-level mini-NSC talk na walang pulitika.

Nais rin ni Senador Christopher ‘Bong’ Go na maresolba ang mga isyu sa WPS sa mapayapa at diplomatikong paraan.

Giit ni Go, ang pagkakaroon ng respeto sa isa’t isa ang susi para mapahupa ang tensyon at maresolba ang mga hindi pagkakaunawaan.

Binigyang diin rin ng mambabatas na bilang mga miyembro ng international community, dapat alinsunod sa mga prinsiplyo at values ang iasal gaya ng nakasaad sa United Nations Charter at sa 1982 UN Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), kung saan kapwa signatory ang Pilipinas at China.| ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us