Inilunsad na ng Department of Agrarian Reform (DAR) ang Farm Business School sa Barangay Gamot, Polangui, Albay.
Bago ito, isang Memorandum of Agreement ang nilagdaan ng DAR, Munisipalidad ng Polangui, Barangay Local Government Unit ng Gamot, at Gamot Luya Dalogo Farmers Association.
Ayon kay DAR Chief Agrarian Reform Officer Regente Dioneda Sr., konsepto ng Farm Business School ay para pasiglahin ang matibay na pakikipagtulungan sa LGUs at Agrarian Reform Beneficiary Organizations (ARBOs).
Para gawing mga negosyante ang mga ARB sa pamamagitan ng pagpapahusay ng kanilang mga skills sa pagnenegosyo.
Inaasahang magiging isang learning site ang GALUDA Farmers Association sa lalong madaling panahon.
May potensyal din ang Farm Business School na makatulong sa GALUDA Farmers Association upang lumago ang kita at makamit ang self-sustainability
sa kanilang mga negosyong pang-agrikultura.| ulat ni Rey Ferrer