Kinumpirma ni Atty. Ferdinand Topacio na pinalabas na ng piitan sa Timor Leste ang kanyang kliyente na si Congressman Arnolfo Teves, Jr.
Sa ipinadalang statement ni Topacio, ang pagpapalabas kay Teves sa Becora Prison sa East Timor ay sa harap ng preventive detention habang nakabimbin pa ang extradition request ng Pilipinas upang mapabalik sa bansa si Teves.
Ayon Kay Topacio, lead counsel ni Teves sa Pilipinas, mismong ang kanyang counterpart sa Timor Leste ang nagsabi sa kanya na ang request for extradition ng pamahalaan ng Pilipinas ay wala sa panahon at hindi pinahihintulutan sa ilalim ng international law.
Kung kaya idineklarang illegal ang pagkakakulong sa dating kongresista.
Dinagdag din ni Topacio na ayon sa CRA Law Office at Dr. Jose Jimenez, may mgal judicial proceedings pa na pagdaraanan si Rep. Teves kaugnay sa pananatili niya sa East Timor na magsisimula bukas.
Kabilang sa makakasama ni Teves sa naturang pagdinig ay mga saksi na pumapabor sa kanya kabilang si Dating Human Rights Commissioner Wilhelm Soriano, na testigo bilang human rights.
Kumpiyansa ang kampo ni Teves na mahirap ang pagdaraanan ng dating kongresista ngunit ayon kay Topacio hindi sila susuko.| ulat ni Mike Rogas