Dating Negros Oriental Rep. Arnie Teves, iaapela ang desisyon ng Court of Appeals ng Timor-Leste na pabalikin na siya ng Pilipinas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Iaapela ng mga abogado ni dating Negros Oriental Representative Arnie Teves ang desisyon ng Court of Appeals sa Timor-Leste na siya ay pauwiin na sa Pilipinas para harapin ang mga kaso.

Ayon sa kanyang abogado na si Ferdinand Topacio, naghahanda na ang kanilang kampo sa isasampa na Motion for Reconsideration.

Sakaling man daw na nabigo sila sa reconsideration, aakyat pa sila sa Supreme Court ng Timor-Leste.

Dahil dito, hindi pa agad maipapauwi ng Pilipinas si Teves tulad ng inaasam ng Department of Justice.

Una nang sinabi kagabi ni Justice Assistant Secretary at Spokesperson Mico Clavano na pinaboran ng korte ng Timor-Leste ang petisyon ng gobyerno ng Pilipinas na extradition request nito para sa dating mambabatas.

Si Teves ay nahaharap sa mga kasong murder at terorismo dahil sa pagpatay kay dating Governor Roel Degamo at maraming iba pa. | ulat ni Mike Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us