Dating Negros Oriental Rep. Arnie Teves, maaari nang muling arestuhin sa Timor Leste 

Facebook
Twitter
LinkedIn

Posibleng arestuhin nang muli sa Timor Leste si dating Negros Oriental Representative Arnie Teves matapos pagbigyan ang petisyon ng Pilipinas na ma-extradite o maibalik na ito sa bansa. 

Ayon kay Justice Undersecretary Raul Varquez, maituturing nang isang undocumented alien si Teves matapos ang naturang desisyon. 

Nauna dito, hindi rin pinagbigyan ang kanyang hiling na magkaroon sya ng political asylum sa Timor Leste. 

Dahil dito, maaaring maibalik ang dating mambabatas sa kulungan habang ipinoproseso ang extradition laban sa kanya. 

Pero sa panig ng kanyang abogado na si Ferdinand Topacio, naghahanda na sila ng apela sa Court of Appeals ng Timor Leste. 

Mahaba pa daw ang itatakbo ng kaso kung kayat hindi pa pwedeng ibalik sa Pilipinas ang kanyang kliyente. | ulat ni Michael Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us