Ihahatid na sa kanyang huling hantungan ngayong umaga ang namayapang si dating Pasig City Vice Mayor Yoyong Martires.
Alinsunod sa ipinasang resolusyon ng Pasig LGU, lahat ng pambansang watawat sa lungsod ay ilalagay sa half-mask.
Ito’y bilang pagpapakita ng respeto at pagkilala sa naging kontribusyon ng bise alkalde sa larangan ng sports, telebisyon, pelikula at public service.
Sa abiso ng Pasig LGU, asahan na ang posibleng pagbabagal ng daloy ng trapiko sa ilang lansangan sa lungsod dahil sa gagawing funeral procession simula alas-9:00 ng umaga.
Kabilang na ang
-C. Raymundo avenue
– Mercedes avenue
– Market avenue
– Caruncho avenue
– Road 1
– F. Manalo street
– Plaza Rizal intersection
– P. Burgos street
– Lopez Jaena street
– Sta. Roda bridge
– Avis street
– M. Flores street
– at C5 Road
| ulat ni Rey Ferrer