Iimbitahan ng Senate Committee on Women ni Senadora Risa Hontiveros si dating Technology and Livelihood Resource Center (TLRC) deputy director general Dennis Cunanan para linawin ang diumano’y kaugnayan nito sa operasyon ng mga POGO sa Bamban, Tarlac at Porac, Pampanga.
Binahagi ni Hontiveros na base sa mga opisyal na dokumento, pinakilala ni Cunanan ang kanyang sarili bilang authorized representative ng Hong Sheng sa Bamban at Lucky South 99 sa Porac.
Sinabi rin ng senadora na maaaring si Cunanan ang link sa pagitan ng Bamban POGO hub at sa Porac POGO hub.
Samantala, nanawagan si Hontiveros sa iba pang mga opisyal ng gobyerno na makiisa na sa panawagang i-ban na ang mga POGO sa Pilipinas.
Una nang nanawagan ang Chinese embassy sa gobeyrno ng Pilipinas na ipagbawal na ang operasyon ng mga POGO dito sa ating bansa.| ulat ni Nimfa Asuncion