Delivery rider na umano’y binasa at sinaktan sa Wattah-Wattah Festival, nagsampa ng reklamo sa San Juan Prosecutor’s Office

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pormal nang nagsampa ng reklamo sa San Juan Prosecutor’s Office ang delivery rider na umano’y binasa at sinaktan sa kasagsagan ng Wattah-Wattah o Basaan Festival sa San Juan City noong Lunes.

Nagsampa ng reklamo ang rider laban sa residente ng lungsod patikular na ang kasong “direct assault, less serious physical injuries, light threats, at unjust vexation.”

Kwento ng biktima na binasa siya ng isang residente ng lungsod at noong sinalag niya ito agad siya nitong binatukan.

Ayon kay San Juan City Mayor Francis Zamora, na personal na sumama sa pagsasampa ng reklamo, hindi niya kukunsintihin ang ilang residente na nanggulo sa kapistahan ni San Juan Bautista at sumisira sa reputasyon ng lungsod.

Sinabi pa ng alkalde na sasagutin nito ang nasirang gamit ng rider at nawalang kita sa delivery. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us