Demilitarisasyon ng West Philippine Sea, ipinanawagan ni Sen. Hontiveros

Facebook
Twitter
LinkedIn

Iminungkahi ni Senador Risa Hontiveros ang pagsusulong ng demilitarisasyon ng West Philippine Sea.

Paliwanag ni Hontiveros, dapat maiwasan na ang mga paglusob at aksyong militar mula sa mga agresibong pwersa sa naturang bahagi ng teritoryo.

Binigyang-diin naman ng senador na isang mahalagang marker ng ating territorial integrity ang BRP Sierra Madre at hindi ito dapat alisin dahil nasa loob ito ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas.

Ang pahayag ay kaugnay ng panibago at marahas na aksyon ng China sa ating tropa sa West Philippine Sea, partikular na sa bandang Ayungin Shoal, kung saan ilan sa ating mga Philippine Navy personnel ang nasugatan.

Giit ni Hontiveros, sobra na ang paglabag ng China hindi lang sa international law kundi maging sa ating karapatang pantao.

Hindi aniya ito katanggap-tanggap.

Kaya naman nanawagan ang mambabatas sa gobyerno na gawin ang bawat ligal, politikal, at diplomatikong paraan para maipreserba ang seguridad at kapayapaan sa rehiyon. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us