Nagpasalamat si Department of National Defense (DFA) Secretary Enrique Manalo sa bansang New Zealand sa patuloy na pagsuporta nito sa Pilipinas kaugnay sa pinag-aagawang teritoriyo sa West Philippine Sea.
Aniya, ito’y dahil sa naging pahayag ng New Zealand sa pagpapaigting ng pakikipag-ugnayan nito sa bansa, partikular sa defense at security cooperation ng Pilipinas at New Zealand.
Sinabi pa ng kalihim na kaisa nito ang New Zealand sa pagpapalaganap ng kapayapaan sa Indo Pacific Region.
Sa huli, muling nagpasalamat si Manalo sa New Zealand sa taos-pusong pagsuporta nito sa ating bansa. | ulat ni AJ Ignacio