Mas madali na ngayong maa-access ng publiko ang kopya ng kanilang National ID sa paglulunsad ngayong araw ng Philippine Statistics Authority ng Digital National ID.
Katuwang dito ng PSA ang Department ot Information and Communications Technology o DICT.
Ang digital national ID ay magiging bahagi ng national-id.gov.ph kung saan maaaring maaccess at madownload ng nakarehistrong user ang kanilang digital ID bilang proof of identification o patunay ng pagkakakilanlan.
Inilunsad rin ang authentication services na National ID Check at National ID eVerify na streamlined at secured na verification system na makikita sa everify.gov.ph
Sa pamamagitan naman nito ay mapapadali na ang pagberipika gaya ng mga bangko at pribadong sektor sa ippresenta sa kanilang national ID.
Ayon kay PSA Chief at National Statistician Usec. Claire Dennis Mapa, bahagi ito ng pagsisikap ng gobyerno na i-automate ang mga proseso, at i-streamline ang mga serbisyo para sa publiko.
Tugon na rin ito sa direktiba ni Pang. Ferdinan R Marcos Jr na mapabilis ang digital transformation sa bansa at pagissyu ng National ID nang mas maraming pilipino ang makinabang dito.
Maaaring maaccess ang digital national ID sa national-id.gov.ph o sa eGovapp
Sa tala ng PSA, mayroon nang 87.6-M pilipino ang nakarehistro na sa National ID. | ulat ni Merry Ann Bastasa