Nagpaabot ng mensahe si Department of the Interior and Local Government (DILG Sec). Benjamin Abalos Jr. sa pagdiriwang ng ika-126 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ngayong araw.
Ayon sa kalihim, mahalagang alalahanin at bigyang-pugay ngayong araw ang ating mga bayani dahil sa kanilang ipinamalas na hindi mapapantayang katapangan at pagmamahal sa Inang Bayan para makamit ng bansa ang kalayaan.
Tinukoy rin ng kalihim ang tinitindigan sa kasalukuyang panahon ng pamahalaan gaya ng laban sa iligal na droga, kriminalidad, korapsyon na nagdudulot ng pasakit at paghihirap sa bayan.
Kasunod nito, nanawagan si Sec. Abalos sa lahat na magkaisa para masigurong ang tinatamasang kalayaan ay maprotektahan at mapangalagaan tungo sa Bagong Pilipinas.
Nakatakdang pangunahan ng kalihim ang Independence Day Celebration ngayong araw sa dambana ni Gat Andres Bonifacio sa Monumento, Caloocan. | ulat ni Merry Ann Bastasa