DMW, kinilala ang mga sakripisyo at ambag ng OFWs para sa bansa ngayong Araw ng Kalayaan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kasabay ng pagdiriwang ng ika-126 na anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas, nagpaabot ng pagbati at pagpupugay ang Department of Migrant Workers (DMW) sa mga overseas Filipino worker (OFW).

Sa mensahe ni Migrant Workers Secretary Hans Leo J. Cacdac, binigyang-diin niya ang kahalagahan ng mga OFW bilang mga bagong bayani ng bansa.

Kinilala rin niya ang kanilang katapangan, sakripisyo, at dedikasyon sa pagbibigay ng magandang kinabukasan para sa kanilang pamilya, komunidad, at sa bansa.

Tiniyak naman ng DMW ang kanilang patuloy na pagsuporta sa mga OFW sa pamamagitan ng pagbibigay ng proteksyon, serbisyo, at mga programa para sa kanilang kapakanan.

Nanawagan naman si Cacdac sa lahat ng Pilipino, na magkaisa sa pagbuo ng isang Bagong Pilipinas kung saan walang maiiwan at lahat ay may pagkakataon na umunlad. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us