DMW, kinumpirmang nagpapagaling na ang 1 sa 2 OFW na naging kritikal sa nangyaring sunog sa Kuwait

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinumpirma ng Department of Migrant Workers (DMW) na ligtas na at nagpapagaling na lamang ang isa sa dalawang OFW na naiulat na kritikal sa nangyaring sunog sa kanilang dormitoryo sa Kuwait.

Sinabi ni DMW Secretary Hans Cacdac, nailipat na sa Ward ang isa sa dalawang OFW at isa na lamang ang nasa Intensive Care Unit (ICU).

Samantala, ang anim naman na nakaligtas na OFW ay iniulat na din ng DMW na nalipat na ng ibang gusali ng kanilang construction company.

Pagtiyak naman ni Cacdac na may matatanggap na financial, funeral, livelihood, at scholarship assistance para sa mga naulila ng mga OFW.

Samantala, naisakay na sa mga sasakyang kinomisyon ng OWWA at naialis na sa PAIR PAGS Center sa NAIA ang mga labi ng tatlong OFW na nakalagay sa cadaver box na patungo sa kanilang mga lalawigan. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us