DMW, nais rebisahin ang mga patakaran sa marino matapos ang nangyari sa MV Tutor

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakatakdang magpulong ang mga maritime stakeholder ngayong linggo para muling tingnan ang mga polisiya na nagpoprotekta sa mga Pinoy na tripulanteng napapadaan sa red sea o sa mga delikadong karagatan sa mundo. 

Ito ang naging tugon ni Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac matapos na atakahin ang MV Tutor na pawang ang sakay ay Pinoy seafarers. 

Paliwanag ni Cacdac, maraming polisiya ang nauna nang nailatag para maprotektahan ang mga Pinoy seafarer gaya ng karapatang pagtanggi ng mga ito kung may ruta ang kanilang barkong sasakyan sa mga delikadong karagatan. 

Pero giit ni Cacdac sa kaso ng MV Tutor, may consent ang nasabing mga Pinoy kaya nais ulit repasuhin ni Cacdac ang ilang polisiya para maiwasang maulit ang nasabing insidente. 

Nais ni Cacdac, na palakasin pa ang nasabing mga polisiya para matiyak ang proteksyon ng mga Pinoy seafarer. | ulat ni Lorenz Tanjoco

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us