Pinapurihan ni Department of Migrant Workers (DMW) Sec. Hans Leo Cacdac ang mga Overseas Filipino Worker (OFW) ngayong Migrant Workers Day.
Sa kaniyang mensahe, binigyang pugay ni Cacdac ang anito’y hindi matatawarang sakripisyo ng mga OFW na itinuturing din nilang mga Bagong Bayani sa Bagong Pilipinas.
Magpapatuloy aniya ang DMW na magsilbing “Tahanan ng mga OFW” at patuloy nilang itataguyod ang karapatan gayundin ang kapakanan ng mga ito.
Ngayong araw, iba’t ibang aktibidad ang kanilang inilatag para ipagdiwang ang kabayanihan ng mga Migranteng Pilipino sa kanilang natatanging araw. | ulat ni Jaymark Dagala