Tiniyak ng Department of Migrant Workers (DMW) ang kanilang buong suporta at tulong sa mga pamilya ng tatlong Overseas Filipino Workers na nasawi sa sunog sa Kuwait kahapon ng madaling araw.
Ayon kay Migrant Workers Secretary Hans Leo J. Cacdac, nakikipag-ugnayan na ang ahensya sa mga pamilya ng biktima upang mag-abot ng pakikiramay at sinigurong matutugunan ang kanilang mga pangangailangan.
Bukod sa tatlong nasawi, may dalawa pang OFW ang nasa kritikal na kondisyon at patuloy na ginagamot sa ospital.
Habang ligtas naman ang anim na iba pang OFW na naapektuhan ng sunog at sila ay binigyan ng tulong ng ahensya.
Matatandang sumiklab ang sunog bandang 4:30 ng madaling araw kahapon sa housing at dormitory facility ng construction company sa Mangaf, Kuwait na nagresulta sa pagkakasawi ng 49 na indibidwal. | ulat ni Diane Lear