Magpupulong ang mga opisyal ng Defense at Security Department ng Pilipinas at Japan sa darating na Hulyo 8.
Gagawin ang pulong sa bansa na tatawaging “2+2 Defense, Foreign Meeting.”
Pangungunahan nina Defense Secretary Gilberto Teodoro, Jr., Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo, Japanese Defense Minister Kihara Minoru at Japanese Foreign Minister Kamikawa Yoko.
Ayon sa Department of National Defense (DND), kabilang sa tatalakayin ay ang bilateral, defense, at security issues na nakaapekto sa rehiyon.
Ganun din ang iba parang regional at international matters.
Ito na ang ikalawanag beses na pagdaraos ng “2+2 meeting” sa pagitan ng Pilipinas at Japan na layuning lalo pang mapalakas ang kooperasyon at ugnayan sa pagitan ng dalawang bansa.| ulat ni Rey Ferrer