Pinag-aaralan ngayon Department of Finance (DOF) para sa epektibong paggasta ng panukalang ₱15-billion na Budget Allocation for Rice Industry Modernization.
Matatandaang bago mag-adjourn ang Kamara ay inaprubahan ng Plenaryo sa Third and Final Reading ang amyenda sa Rice Tariffication Law kabilang ang pagpapalawig ng validity ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) at karagdagang ₱15-billion na funding.
Ayon kay Finance Secretary Ralph Recto, inaaral na ngayon ng kanyang tanggapan
ang pagpapatupad ng suporta sa mga local farmers gamit ang halaga na dati ay nasa ₱10-billion lamang.
Paglilinaw pa ng kalihim na ang Rice Tariff Reduction ay panandalian lamang dahil hangad ng gobyerno na hindi na aasa pa ang Pilipinas sa imported na bigas bagkus itataas ang rice productivity ng mga magsasaka.
Aniya, patuloy na mamumuhunan ang gobyerno sa local farmers, sa irrigation at modernization dahil hindi pababayaan ng pamahalaan ang mga magsasakang Pinoy. | ulat ni Melany Valdoz Reyes