Nakikiisa ang Department of Finance (DOF) sa pagdiriwang ngayon ng ika-22 Depositor Protection and Awarenes Week o DPAW.
Ang Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC) ang lead agency sa mga aktibidad ngayong linggo.
Layon ng DPAW na palakasin ang proteksyon ng maliliit na depositor at tumulong sa hangarin ng gobyerno na masustine ang economic growth and development.
Mandato ng PDIC na tiyaking sakop ng deposit insurance ang lahat ng bangko sa bansa.
Hinihikayat din ng ahensya ang mga depositor na silipin ang kanilang insured deposit sa PDIC calculator na makikita sa kanilang mga website. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes