Maglulunsad ang Department of Health (DOH) ng tatlong araw na job fair para sa iba’t ibang pampublikong ospital sa bansa.
Batay sa abiso ng DOH, isasagawa ang DOH Job Fair 2024 simula bukas, June 18 hanggang June 20 sa Dr. Jose Fabella Memorial Hospital sa Maynila.
Bukod dito ay magsasagawa rin ng mga regional job fair sa iba’t ibang mall sa Luzon, Visayas, at Mindanao.
Kabilang sa mga inaalok na trabaho ay nurse, doktor, pati na rin ibang propesyon na labas sa medical field gaya ng admin assistant, engineer, information officer, accountant, technican, at iba pa.
Inanyayahan din ng DOH ang mga interesadong aplikante na na samantalahin ang nasabing job fair.
Para sa karagdagag impormasyon at mga requirement maaaring bisitahin ang Facebook page ng ahensya. | ulat ni Diane Lear