DOH, magsasagawa ngayong araw ng simulcast Job Fair sa mga ospital at health facilities sa buong bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Magbubukas ng oportunidad ang Department of Health (DOH) sa mga naghahanap ng trabaho na health workers.

Ngayong araw, magsasagawa ng nationwide Job Fair ang DOH sa iba’t ibang ospital at mga health facilities sa buong bansa.

Ayon kay Health Assistant Secretary at Spokesperson Dr. Albert Domingo, hindi bababa sa 2,600 na mga vacant position ang binuksan ng kagawaran.

Sa Metro Manila, ang Dr. Jose Fabella Memorial Hospital ang napili ng DOH na pagdausan ng pilot Job Fair ngayong araw.

Ang Nationwide Job Fair ng DOH ay bahagi pa rin ng selebrasyon ng ika-126 na Araw ng Kalayaan ng Pilipinas. | ulat ni Mike Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us