DOH, nangako na gagawing prayoridad ang hiling na itaas ang dialysis coverage package

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakakuha ng commitment si Appropriations Vice Chair Stella Quimbo mula sa Department of Health (DOH), na maitaas ang halaga ng dialysis coversge package ng PhilHealth.

Sa ipinatawag na oversight briefing ng komite, sinabi ni Health Assistant Secretary Albert Domingo na magiging pangunahing paksa sa magiging pulong ng Benefit Committee ng PhilHealth ang pagtataas sa hemodialysis coverage nito.

Nais kasi ni Quimbo na mula sa ₱2,600 ay gawin itong ₱4,200.

“Ang current rate na ₱2,600 per dialysis session ay hindi sapat para matustusan ang mga kinakailangang gamot. Kitang-kita ko po ‘yan sa mga resibong ipinapadala sa amin ng aking mga constituents sa Marikina na humihingi ng dagdag na medical assistance. Raising the rate to ₱4,200 will better meet patients’ needs,” sabi ni Quimbo.

Sinabi ng mambabatas, mayroon naman ₱174-billion na net inflow ang state health insurer na magagamit pantustos.

Sakaling itaas, dagdag na ₱10.5-billion lang ang magagastos ng PhilHealth dito.

Payo pa ng economist solon, taasan na rin ng PhilHealth ang package para sa mga sakit na may mataas na morbidity o bilang ng namamatay. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us