Magsasagawa ng job fair ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa ilang mall sa Metro Manila kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan sa June 12.
Hinihikayat ng DOLE ang mga naghahanap ng trabaho na lumahok sa naturang aktibidad.
Ayon sa DOLE, aabot sa mahigit 31,000 na local at international na trabaho ang alok ng mahigit 500 employers sa Kalayaan Day job fair.
Ito ay isasagawa sa piling mall sa Metro Manila kabilang ilang mall sa Caloocan, Manila, Pasay, Pasig, Marikina, Mandaluyong, Las Pinas, Taguig, at Quezon City.
Para sa mga interesadong aplikante kailangan na magdala ng maramig kopya ng resume at iba pang pre-employment documents.
Para karagdagang impormasyon bisitahin ang Facebook page ng DOLE-NCR kaugnay sa mga alok na trabaho.| ulat ni Diane Lear