Tiniyak ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na sapat ang dollar reserves ng Pilipinas para harapin ang posibleng epekto ng rice tarrif reduction at “volatility” ng foreign exchange sa merkado.
Ito ang pagtitiyak ng BSP sa nakikitang mataas na “inbound” shipment ng bigas kasunod ng pagtapyas ng taripa ng imported rice.
Ayon sa BSP, walang dapat ipag-alala ang publiko dahil kayang depensahan ng piso ang pressure ng import bill sa pag-aangkat ng bigas.
Base sa US Department of Agriculture’s Foreign Agricultural Service, tinatayang aabot sa 4.6 million metric tons ang aangkating bigas ngayong taon.
Ayon kay BSP Senior Assistant Governor Iluminada Sicat, nasa 1.6 billion US dollar ang inaasahang dollar surplus ngayon 2024 mas mataas sa $700 -million dollars noong nakaraang taon. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes