Inilunsad ng Department of Science and Technology (DOST) at Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang isang makabagong floating solid waste collector system kahapon (June13) sa Pasig River Esplanade.
Ang naturang solid waste collector system ay isang pinagsamang inisyatiba na pinondohan ng DENR at binuo ng DOST. Idinisenyo ito upang alisin at kolektahin ang mga basura mula sa mga ilog at estero.
Binigyang-diin ni DOST Secretary Renato Solidum Jr. na mas mura ang teknolohiyang gawang Pilipino kaysa sa mga imported.
Inaasahang malaki ang maitutulong sa paglilinis ng Pasig River at Laguna Lake sa pamamagitan ng floating solid waste collector system.
Gayundin, upang maibsan ang mga bara na dulot ng water hyacinths sa mga ilog at iba pang daluyan ng tubig. | ulat ni Jollie Mar Acuyong