Ibinahagi ni Department of Science and Technology (DOST) Secretary, Dr. Renato U. Solidum Jr. ang Strategic Plan Framework ng ahensya hanggang sa 2028.
Ayon kay Solidum may apat na outcomes ang naturang plano: ito ay ang i-promote ang human well-being, isulong ang wealth creation, para magkaroon ng wealth protection, at i-institutionalize ang sustainability.
Paliwanag ni Solidum, para makamit ang nasabing outcomes ay kinakailanagang mapalakas at ma-harmonize ang governance system.
Dagdag pa ng kalihim, na ang nasabing programa ang magsusulong ng pagpapabilis sa innovations sa bansa, magtutulak ng mga innovation mula sa Pilipinas.
Binigyang diin din nito, na ang spirit of solidarity, resilience, unity, at synergism (SRUS) ay uusbong sa DOST system dahil ito aniya ang sumisimbulo sa commitment ng kanilang ahensya na magsilbi sa bawat Pilipino na may dedikasyong suportahan ang national interest at economic development sa pamamagitan ng innovative, appropriate, at timely STI. | ulat ni Lorenz Tanjoco