Nagkasundo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Labor and Employment (DOLE) na palakasin ang project LAWA (Local Adaptation to Water Access) at BINHI (Breaking Insufficiency through Nutritious Harvest for the Impoverished) sa pamamagitan ng Cash-for-Work.
Isang Memorandum of Understanding ang nilagdaan ng dalawang ahensya para sa kanilang pagtutulungan.
Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, ang Project LAWA at BINHI ay kabilang sa mga inobasyon sa DSWD na nakatuon sa pag-iwas sa mga epekto ng food insecurity at water scarcity dulot ng El Niño.
Ito’y habang naghahanda para sa mga potensyal na epekto ng La Niña.
Sa ilalim ng proyektong ito, magpapatibay ang mga komunidad ng mga estratehiya at teknolohiya upang mapahusay ang kanilang katatagan laban sa mga kaganapan sa klima.
Dinisenyo ito upang mapanatili ang agricultural productivity sa panahon ng tagtuyot at pangangasiwaan ang labis na tubig sa mga panahon ng malakas na pag-ulan na nauugnay sa La Niña.
Malugod namang tinanggap ni DOLE Secretary Bienvenido Laguesma ang partnership ng DOLE-DSWD dahil pakikinabangan ito ng mas maraming komunidad sa kanayunan.| ulat ni Rey Ferrer