Tiniyak ni Department of Social Welfare and Development’s (DSWD) Secretary Rex Gatchalian na may sapat na family food packs ang ahensya para sa mga pamilyang apektado ng pagputok ng Bulkang Kanlaon sa Negros Island.
Bukod sa 10,000 FFPs para sa Negros Occidental at Negros Oriental, may dumating pang karagdagang 10,000 FFPs ngayong araw mula sa na DSWD packaging center sa Cebu.
Sinabi pa ng kalihim, asahan pa ang karagdagang tulong mula sa Bacolod area para sa kabuuang target na 50,000 FFPs.
Alinsunod sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., dapat tiyakin ng DSWD na walang magugutom isa man sa mga pamilyang biktima ng pagputok ng bulkan.
Tiniyak ng DSWD chief ang mahigpit na koordinasyon ng ahensya sa mga apektadong local government units upang personal na malaman ang mga sitwasyon sa kani-kanilang lokalidad.
Bukod sa family food packs, handa rin ang DSWD na magbigay ng iba pang uri ng tulong sa mga affected families. | ulat ni Rey Ferrer