Kabuuang P4.5 milyon na sustainable livelihood grants ang ipinagkaloob ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga komunidad na apektado ng kaguluhan sa lalawigan ng Ilocos Sur.
Pinangunahan ni DSWD Undersecretary for Inclusive-Sustainable Peace and Special Concerns Alan Tanjusay, ang ceremonial awarding ng seed capital fund sa 15 Sustainable Livelihood Program Associations (SLPAs) sa Vigan City.
Ang mga SLPA na may kabuuang 403 miyembro ay mula sa pitong munisipalidad ng Ilocos Sur kabilang ang Burgos, Galimuyod, Narvacan, Salcedo, Santiago, Sta. Maria, at Sta Lucia.
Hinimok ni Usec. Tanjusay ang mga benepisyaryo, na responsableng pangasiwaan at ipagpatuloy ang mga ibinibigay na tulong sa kanila ng pamahalaan.
Mula noong 2021, humigit-kumulang 27 SLPA ang nabuo sa Ilocos Sur na may mga proyektong panghayupan gayundin ang pagtitinda ng agricultural supply, general merchandise at bigas. | ulat ni Rey Ferrer