Nagpaabot ng tulong ang Department of Social Welfare and Development’s (DSWD) sa mga mangingisda sa West Philippine Sea (WPS).
Pinangunahan ng DSWD Field Office sa Central Luzon ang pagpapadala ng family food packs katuwang ang AFP sa Zambales Sports Complex.
Aabot sa humigit kumulang 100 kahon ng FFPs ang ipinadala ng DSWD na ilalaan sa mga bayan ng San Antonio, San Narciso, Cabangan, at Botolan sa Zambales.
Ayon sa DSWD, ang tulong ay para sa mga mangingisdang hindi makapalaot ngayon sa WPS dahil sa iba’t ibang rason kabilang na ang masamang panahon.
Kaugnay nito, tiniyak naman na kagawaran na patuloy itong magbibigay ng tulong at tututukan ang pagtugon sa pangangailangan ng mga mangingisda sa WPS. | ulat ni Merry Ann Bastasa