Aktibo nang isinasagawa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang psychosocial intervention sa mga biktima ng pagputok ng bulkang Kanlaon sa Negros Oriental.
Isinasagawa ngayong araw ng DSWD ang psychosocial activities sa mga kabataan at internally displaced persons sa La Castellana Elementary School evacuation center.
Samantala, nalagyan na rin ng kumpletong pasilidad ng local government units ng La Carlota City ang mga evacuation center sa kanilang lugar.
Ayon kay DSWD Assistant Secretary Irene Dumlao, kinabibilangan ito ng childrens playgrounds; medical at toilet facilities para sa senior citizens, persons with disabilities, mga buntis na evacuee, at breastfeeding stations para sa nursing mothers.
Sa kabuuan, may 558 pamilya o 1,933 katao mula sa 16 na barangay sa Negros Occidental ang apektado ng pagputok ng bulkan.
May 372 pamilya o 1,252 katao ang hanggang ngayon ay nanunuluyan pansamantala sa ibat ibang evacuation centers. | ulat ni Rey Ferrer