Patuloy pa rin ang paghahatid ng tulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga lugar na naapektuhan ng pag-alburoto ng Bulkang Kanlaon.
Batay sa pinakahuling tala ng DSWD, umakyat na sa ₱7.2-million ang halaga ng tulong na naipaabot nito sa mga apektadong pamilya.
Kabilang sa nahatiran na nito ng family food packs ang mga evacuees sa Negros Oriental at Negros Occidental.
Kaugnay nito, naitala sa 8,479 na pamilya o higit 29,000 na indibidwal ang naapektuhan ng pag-alburoto ng bulkan.
Mayroon pa ring 1,260 pamilya o 4,390 na indibidwal ang pansamantalang nananatili sa walong evacuation centers.
Una nang sinabi ng DSWD na patuloy pa rin itong naka-alerto para sa pagbibigay ng iba pang kakailanganin ng mga apektado ng pagputok ng Bulkang Kanlaon.
Katunayan, nakahanda pa ang ₱3.6-billion relief resources nito kung kinakailangan. | ulat ni Merry Ann Bastasa