Aabot sa 1,199 Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs) sa buong Eastern Visayas ang tumanggap ng tulong pinansyal mula sa Department of Social Welfare and Development.
Mula sa iba’t ibang bahagi ng rehiyon ang mga ARB na pinagkalooban ng suportang pinansyal sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program ng DSWD.
Nauna nang pinagkalooban ng Certificates of Land Ownership Award ang mga ARB noong Mayo sa presensya ni Pangulong Ferdinand R Marcos Jr.
Bawat isang ARB ay tumanggap ng Php5 libong pisong ayuda .
Kabuuang 298 ARB ay mula sa Northern Samar, 216 ay mula sa Western Samar, 99 ay nagmula sa Southern Leyte at 586 naman sa Leyte. | ulat ni Rey Ferrer