DSWD Sec. Gatchalian, nakipagpulong na sa META PH kaugnay ng mga kaso ng bentahan ng bata online

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakipagpulong na si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian sa mga kinatawan ng META Philippines, mother company ng Facebook para resolbahin ang dumaraming kaso ng bentahan ng bata online.

Tugon ito sa liham na ipinadala ng kalihim sa META Philippines dahil sa dami ng Facebook accounts na ginagamit sa online selling ng mga bata.

Sa ulat ng National Authority for Child Care (NACC), 16 na mula sa 23 reported Facebook pages ang na-take down na ngunit may mga umuusbong pa ring bagong accounts.

Ayon sa kalihim, seryoso silang masawata ito dahil paglabag ito sa Anti-OSAEC (Online Sexual Abuse or Exploitation of Children) law.

Nagkasundo naman aniya sila ng META na magkaroon ng aktibong ugnayan upang direktang makapag-ulat sa kanila o sa pamamagitan ng mga reporting channels upang makabuo ng mas matibay na mekanismo at gayundin sa pagbuo ng isang kampanya laban sa human trafficking.

Kaugnay nito, inatasan na rin ni Sec. Gatchalian si NACC Undersecretary Janella Estrada na agad bumuo ng team na tututok sa online baby selling. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us