Dumating na sa Negros Oriental si DSWD Secretary Rex Gatchalian at agad nakipagpulong sa mga lokal na opisyal ng lalawigan.
Sa pulong, kanilang tinalakay ang mga paghahanda para sa mga pamilyang naapektuhan ang pagputok ng Mt. Kanlaon kahapon.
Umaga kanina nang magtungo si Gatchalian sa lalawigan para tingnan ang ongoing disaster operations at malaman ang kondisyon ng mga evacuee.
Kasama ng kalihim sa pagbisita si DSWD Undersecretary for Disaster Response Management Group Diana Rose Cajipe.
Batay sa ulat ng Disaster Response and Management Bureau, may 170 pamilya o 796 katao mula sa walong (8) barangays sa Negros Occidental at Negros Oriental ang naapektuhan ng volcanic eruption.
May 69 pamilya o 303 katao ang kasalukuyang nanunuluyan sa limang evacuation centers sa Kanlaon City sa Negros Oriental, at Bago City, La Castellana, Moises Padilla, at Pontevedra sa Negros Occidental. | ulat ni Rey Ferrer