Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga hakbang at kahandaan ng kanilang mga tauhan laban sa anumang uri ng kalamidad sa bansa.
Ayon kay DSWD Undersecretary Diana Rose Cajipe, patuloy na nagsusumikap ang kagawaran sa paghahanda upang maibigay ang pangangailangang interbensyon sa mga pamilyang posibleng maapektuhan ng kalamidad gaya ng bagyo, lindol, sunog at iba pa.
Bukod sa mga local government unit (LGU), katuwang din ng DSWD ang International Partners at Private Sectors na walang patid sa pagpapaabot ng tulong para sa mga Pilipino.
Binigyang diin pa ni Usec. Cajipe, ang patuloy na pagsisikap na magtatag ng mga makabagong solusyon para mas maprotektahan ang mamamayang Pilipino.
Gumagawa na ang DSWD ng isang makabagong tool o ang tinatawag na Advanced Data Gathering for Assistance Preparedness for Protection o AGAPP para sa pagkuha o pangangalap ng data at impormasyon sa mga insidente ng kalamidad. | ulat ni Rey Ferrer