ERC, pinagbawalan ang mga distribution utility sa Luzon at Visayas na singilin ang consumers base sa paunang billing ng WESM

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naglabas ng kautusan ang Energy Regulatory Commission (ERC) na nagbabawal sa lahat ng mga distribution utility (DU) sa Luzon at Visayas na singilin ang mga konsyumer base sa preliminary billing statement ng Wholesale Electricity Spot Market (WESM).

Ayon sa ERC, dapat maghintay muna ang mga distribution utility ng final billing statement mula sa Independent Electricity Market Operator of the Philippines (IEMOP) bago maglabas ng singil sa mga konsyumer.

Layon nitong matiyak na ang sisingilin sa mga konsyumer ay ang tamang halaga ng kuryente na binili mula sa WESM.

Matatandaang sinuspinde ng ERC ang market operation sa Luzon at Visayas nitong Mayo dahil sa sunod-sunod na pagsasailalim sa Red at Yellow alert status sa grid.

Sa mga panahong ito, nagpatupad ang ERC ng administered price at secondary price cap upang kontrolin ang presyo ng kuryente.

Sa pagsusuri ng ERC, lumalabas na ang preliminary billing statement ay maaaring magbago pa at inaasahan na ang final billing statement ay magpapakita ng mas mababang singil sa WESM kumpara sa paunang billing. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us