Sang-ayon si Senate President Chiz Escudero sa naging pahayag ni Defense Secretary Gilberto Teodoro na dapat nang paalisin sa bansa ang mga POGO dahil banta ito sa pambansang seguridad.
Naniniwala si Escudero na ang pinatutungkulan ni Teodoro sa pahayag na ito ay ang mga iligal ba POGO dahil sa pahayag aniya nito ay tinukoy nito ang mga POGO na hindi nag-o-operate ng ayon sa kanilang nilalayon.
Giit ng senate president, lahat ng mga iligal na POGO ay dapat nang ipasara malapit man sila o hindi sa military bases ng Pilipinas.
Dapat na rin aniyang arestuhin ang mga nasa likod ng mga ito.
Sa kabilang banda, sinabi ni Escudero kung pati ang mga legal na POGO ay tinutukoy ni Teodoro sa kanyang suhestiyon ay dapat aniya itong talakayin ng kalihim sa PAGCOR.
Ito lalo na aniya’t national security ang nakasalalay dito. | ulat ni Nimfa Asuncion