Pinangunahan ni National Economic Development Authority (NEDA) Sec. Arsenio Balisacan ang ika-5 pagpupulong ng Investment Coordination Committee – Cabinet Committee.
Dito, tinalakay ang estado ng mga proyekto ng Pamahalaan sa ilalim ng Official Development Assistance (ODA).
Kabilang sa mga dumalo ay sina Budget Sec. Amenah Pangandaman, DICT Sec. Ivan John Uy, DPWH Sec. Manuel Bonoan gayundin ang mga kinatawan mula sa Department of Finance, Office of the Presidential Assistant to the President for Investment and Economic Affairs.
Gayundin mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas, Department of Transportation, MMDA at MWSS Corporate Office. | ulat ni Jaymark Dagala