Tumaas ang average farmgate price ng palay sa buwan ng Mayo, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Sa tala nito, tumaas sa ₱24.81 ang kada kilo ng palay.
Ayon sa PSA, katumbas ito ng 1.2% na buwanang pagtaas at 30.2% kumpara sa naitalang farmgate price noong nakaraang taon na aabot sa ₱19.06 kada kilo.
Sa mga rehiyon naman, ang Region 6 o Western Visayas Region ang may pinakamataas na farmgate price ng palay na umabot sa ₱27.76 ang kada kilo.
Habang ang pinakamababa naman ay naitala sa Eastern Visayas sa ₱19.56 kada kilo.
Ayon sa PSA, lahat ng rehiyon ay nagtala ng positibong year-on-year growth rates nitong Mayo. | ulat ni Merry Ann Bastasa