Nakatakdang dumating sa Maynila ang mga contingent ng Office of Civil Defense mula sa iba’t ibang assisting region para lumahok sa “full scale exercise” ng National Simultaneous Earthquake Drill (NSED) na isasagawa sa Hunyo 28.
Ang Rescue Emergency Disaster Training Center sa Pasig City ang napiling ceremonial venue ng 2nd quarter NSED.
Ayon sa OCD, ang mga regional contingent ay ipapadala sa mga itinalagang lokasyon kung saan magtatayo ng alternate emergency operations centers.
Ang pagsasanay na ito ay nakabase sa Harmonized National Contingency Plan for Magnitude 7.2 Earthquake na sentro ng NSED.
Ayon sa OCD, ang earthquake drill ay mahalagang hakbang upang mapalakas ang kahandaan ng bawat isa sa oras ng lindol at masiguro ang kaligtasan ng publiko.
Patuloy na nagpapaalala ang ahensya sa lahat na makiisa at seryosohin ang mga ganitong uri ng pagsasanay upang maging handa sa anumang sakuna. | ulat ni Leo Sarne