Nilagdaan ng PIlipinas at France ang Government to Government (G2G) agreement para sa financial development and cooperation. Ang kasunduan ay sinelyuhan nila Finance Sec. Ralph Recto at French Ambassador to the Philippine Marie Fontanel.
Layon ng kasunduan on Financial and Development Cooperation na makabahagi ang PIlipinas sa official development assistance and blended financing ng France government para sa pagpapatupad ng mga priority projects ng Marcos Jr. administration.
Ang kasunduan ay para sa pagpapalaks ng high-impact sectors gaya ng agricultura, agro-industry, mining, water sanitation, infrastructure, transportation at renewable energy.
Ayon kay Recto.. magsisilbi itong “key poverty-fighting force” na makatutulong sa bansa para sa inklusibong kinabukasan ng mga Pilipino.
Nagpasalamat din ang kalihim sa French Government sa pagiging partner ng bansa sa hangarin na makamit ang economic security at kasaganaan ng sambayanan. | ulat ni Melany V. Reyes