“Green Climate Fund” Handbook for the Philippines, inilunsad ng DOF at Global Green Growth Initiatives

Facebook
Twitter
LinkedIn

Opisyal nang inilunsad ng Department of Finance (DOF) ang “Green Climate Fund” (GCF) Handbook for the Philippines.

Ang launching ay ginanap sa kauna-unahang National Stakeholders Conference kung saan magkatuwang ang DOF at ang Global Green Growth Initiative o GGGI.

Ang GCF ay ang pinakamalaking multilateral climate fund sa mundo na itinatag para sa Paris Agreement sa ilalim ng United Nations Framework Convention on Climate Change.

Ito ay upang suportahan ang hangarin na “low-emission development and climate resilience projects” sa developing countries.

Nilalaman ng GCF handbook for the Philippines na i-streamline, gawing simple at palawakin ang access sa “rich mix blended financing” sa mga proyekto upang maibsan ang epekto ng climate change sa bansa.

Samantala ang GCF Philippines website ay maaring maging instrument upang gawing transparent ang pondong ginamit, at para na rin sa evaluation ng pagpapatupad nito. | ulat ni Melany Valdoz Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us