Nakapagtala na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng inisyal na 170 pamilya o halos 800 indibidwal na apektado ng pag-alburoto ng Bulkang Kanlaon sa Negros Island kagabi.
Sa ngayon, karamihan ng mga apektado ay nagmula sa Western at Central Visayas.
Batay din sa datos ng DSWD Disaster Response Operations Monitoring and Information Center, kaninang alas-6 ng umaga, mayroon nang 112 na pamilya o katumbas ng 480 indibidwal ang pansamantalang inilikas sa pitong evacuation centers habang nasa higit 100 indibidwal din ang nakikitira muna sa kanilang kaanak.
Una nang nagpadala ang DSWD ng karagdagang food packs para sa mga apektado ng pagsabog ng bulkan.
Sa kasalukuyan, mayroon pang kabuuang ₱2.7-billion ang hawak na relief resources ng ahensya sa kanilang stockpile ng food at non-food items pati na standby funds. | ulat ni Merry Ann Bastasa