Tinatayang umabot na sa higit 4 na milyong Pilipino ang nakapagparehistro na para makaboto sa isasagawang midterm elections sa susunod na taon, ayon sa ulat ng Commission on Elections (COMELEC).
Ayon sa datos ng COMELEC, noong Hunyo 26, may kabuuang 4,057,001 application na ang naiproseso magmula noong Pebrero.
Sa bilang na ito 2,093011 ang kababaihan at 1,963,990 ang kalalakihan.
Pinakamaraming voters registrants ang naitala sa rehiyon ng CALABARZON, na sinusundan ng National Capital Region, at Central Luzon.
Naitala naman sa Cordillera Admininstrative Region (CAR) ang pinakamababang bilang ng mga nagprehistrong botante.
Patuloy pa rin ang pagtanggap ng COMELEC ng mga nais magparehistro upang makaboto sa susunod na eleksyon kasama ang pagbabago o pag-update ng kanilang mga impormasyon hanggang sa ika-30 ng Septyembre 2024.| ulat ni EJ Lazaro