Nahuli ng 1st Boat Attack Division, sa ilalim ng Naval Task Force 51 ng Naval Forces Western Mindanao (NavForWem), ang isang motor banca na may kargang higit sa ₱10.2-million halaga ng smuggled cigarettes.
Ang sasakyang-dagat ay nahuli ng mga tropa ng Attack Division sa karagatan ng Mauboh sa Patikul sa lalawigan ng Sulu.
Dinala ng mga tropa sa Ensign Majini Pier sa Naval Station Romulo Espaldon sa Zamboanga City ang bangka para sa inspeksyon at imbentaryo ng nasabat na iligal na mga sigarilyo.
Ang bangka, mga kontrabando, at ang mga tripulante ay nasa kustodiya ngayon ng Bureau of Customs (BOC) Zamboanga para sa tamang disposisyon.| ulat ni Lesty Cubol| RP1 Zamboanga Sibugay