Nasa mahigit ₱36.8 bilyon ang naitala ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA) na halaga ng naaprubahang investment ang pumasok na sa bansa sa unang limang buwan ng 2024.
Sa naturang halaga ng pamumuhunan na naproseso ng PEZA ay nagmumula sa sektor ng IT Business Processing Management at mula sa sektor ng manufacturing.
Ayon sa PEZA, malaki ang maiaambag nito sa ekonomiya ng Pilipinas at makakalilikha ng mas maraming trabaho at oportunidad para sa mga Pilipino.
Dagdag pa ng PEZA, maaaring mag-generate ito ng $100.8 milyong dolyar na kita sa export sector at maaaring umabot sa 19,000 na empleyo sa bansa. | ulat ni AJ Ignacio